Site icon PearlPay

MSME Financial Support Programs

MSME Financial Support Banner

Naglunsad ang gobyerno ng iba’t-ibang loan programs para matulungan na maka-recover ang mga MSME sa pandemya.

Pindutin ang MSME loan program para malaman ang detalye nito:

Programa ng SBCorp na naglalayon na suportahan ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbigay ng loan na may interes na hindi hihigit sa 2.5% kada buwan.

  • Makakakuha ng loan mula P5,000 hanggang P200,000
  • Maliliit na negosyong tumatakbo na hindi bababa sa 1 taon
  • Rehistrado sa DTI, munisipyo, o barangay
  • Hindi hihigit sa P3 milyon ang asset

a. Online Application Form
b. Rehistro ng Negosyo/DTI Business Name Registration
c. Kopya ng Valid ID
d. Barangay Clearance
e. Katibayan na tumatakbo ang negosyo na hindi bababa sa 1 taon
f. Permit mula sa barangay o munisipyo
g. ID picture

1. Ihanda at i-scan ang mga dokumento (.jpeg format).
2. Pumunta sa link na ito: brs.sbcorp.ph.
3. Gumawa ng account at piliin ang angkop na loan program.
4. Sagutan ang online application form.
5. Antayin ang kumpirmasyon na natanggap ang iyong application at ang resulta nito na ipapadala sa e-mail.

Programa ng SBCorp na naglalayon na makapagpautang nang walang interes at kolateral upang matulungan makabangon muli ang mga maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya.

  • Makakahuha ng loan ng P10,000 hanggang P5 milyon
  • 12 buwang grace period o ang panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.
  • Maliliit na negosyong walang natitirang negatibong utang sa ibang programa o pampinansyal na institusyon
  • Rehistrado sa DTI, munisipyo, o barangay
  • Hindi hihigit sa P100 milyon ang asset

Note: Kung Sole Proprietorship o nag-iisang pagmamay-ari: kailangan magtalaga ng co-borrower kung ang prinsipal na mangungutang ay may edad na 66 pataas.

Para sa mga aplikante na mayroong BIR-filed Financial Statements:
a. 2018 o 2019 BIR-filed Financial Statements
b. Government-issued ID
c. Bank account o electronic money account (dapat kita ang pangalan)
d. Para sa mga partnership/may kasosyo o korporasyon – Corporate Secretary Certificate

Para sa mga aplikante na walang BIR-filed Financial Statements:
a. Government-issued ID
b. Bank account o electronic money account
c. 2019 at 2020 Barangay o Mayor’s Business Permit
d. Para sa mga hihiram ng P10,000 – P50,000: Barangay Business Permit/Certification ng 2019 at 2020
e. Tig-iisang larawan ng may-ari ng negosyo kasama ang:
– inventory ng produkto/raw materials
– mahahalagang asset ng negosyo (hal. makina, tools, equipment, atbp.)
– gusali/ bodega/karatula ng negosyo
f. Isang bidyo ng may-ari ng negosyo na ipinapaliwanag ang kanilang pampinansyal na katayuan, mga asset, bilang ng empleyado at ang kanilang trabaho, at kung bakit kailangan ng loan.
g. Para sa mga partnership/may kasosyo or korporasyon – Corporate Secretary Certificate

1. Ihanda at i-scan ang mga dokumento (.jpeg format).
2. Pumunta sa link na ito: brs.sbcorp.ph.
3. Gumawa ng account at piliin ang angkop na loan program.
4. Sagutan ang online application form.
5. Antayin ang kumpirmasyon na natanggap ang iyong application at ang resulta nito na ipapadala sa e-mail.

Programa ng SBCorp na naglalayong makatulong sa puhunan at pagpapalago ng mga maliliit na negosyo at mapaigting ang supply chain ng pagkain at magbigay ng loan na walang interes at kolateral.

Maaaring mag-avail ng loan ang mga negosyo na may taon-taon na benta na hindi bababa sa P500,000:
  • Makakakuha ng 2% ng isang taong benta
  • 3 buwang repayment term
  • 3% service fee
Kung may taon-taon na benta na hindi bababa sa P2,000,000:
  • Makakakuha ng 2.25% ng isang taong benta
  • 4 na buwang repayment term
  • 3% service fee
Kung may taon-taon na benta na hindi bababa sa P2,000,000:
  • Makakakuha ng 2.25% ng isang taong benta
  • 4 na buwang repayment term
  • 3% service fee
  • Mga negosyo na nasa sektor ng pagkain o bahagi ng supply chain ng SBCorp-accredited fast-moving consumer goods (FMCG) food manufacturer
  • Kung hihiram nang mas mababa sa P1 milyon: may magandang pampinansyal na katayuan ang negosyo sa nakaraang taon
  • Kung hihiram nang higit sa P1 milyon: may magandang pampinansyal na katayuan sa nakaraang 3 taon
  • Walang natitirang negatibong utang ang aplikante at ang negosyo sa ibang loan program o pampinansyal na institusyon

Para sa maliliit na sari-sari stores:
a. Government-issued ID
b. Bank account o electronic money account
c. 2019 at 2020 Barangay Business permit
d. 2 larawan ng karatula ng negosyo at mga inventories, o fixed assets (.jpeg format)

Para sa mga malalaking sari-sari stores/ mini groceries/ convenience stores:
a. Government-issued ID
b. Bank account o electronic money account
c. 2019 at 2020 Mayor’s Permit
d. 2 larawan ng karatula ng negosyo at mga inventories, o fixed assets (.jpeg format)

Para sa mga medium-sized grocery/convenience stores; dealers at maliliit na distributors:
a. Government-issued ID
b. Bank account o electronic money account
c. 2018, 2019, at 2020 Mayor’s Permit
d. Para sa mga uutang ng P10 milyon pataas – pinakabagong BIR-filed Balance Sheet ng negosyo upang masigurado na ang negosyo ay medium-sized
e. Para sa mga korporasyon at mga partnerships/may kasosyo lamang – Secretary’s Certificate (awtorisasyon na ang Presidente/CEO ng negosyo o ang katumbas nitong posisyon ay ang prinsipal na hihiram)

1. Ihanda at i-scan ang mga dokumento (.jpeg format)
2. Pumunta sa link na ito: brs.sbcorp.ph .
3. Gumawa ng account at piliin ang angkop na programa.
4. Sagutan ang online application form.
5. Antayin ang ipinadalang kumpirmasyon na natanggap ang iyong application at ang resulta nito sa e-mail.

Programa ng PhilGuarantee na naglalayong makapagbigay ng risk guarantee sa mga maliliit na negosyo upang matulungan silang magkaroon ng puhunan.

  • Guarantee limit na 50% ng prinsipal na utang
  • 1 taong guarantee term o panahon na kailangan mabayaran nang buo ang nakuhang guarantee
  • 1-5 taon na loan term
  • Guarantee fee: 1% kada taon + gross receipt taxes (GRT)
  • Amendment fee: P5,000 kada pagbabago sa napagkasunduan
  • Walang origination fee

Maaaring humiram ang mga maliliit na negosyo na may hindi hihigit sa P100 milyon ang asset at naapektuhan ng pandemya.

1. Alamin ang requirements na kailangan ng iyong paga-applyang PhilGuarantee-accredited lending na bangko o pampinansyal na institusyon.
2. Magpasa ng aplikasyon at mga requirements sa mga PhilGuarantee-accredited lending na bangko o pampinansyal na institusyon.
3. Kukunsultahin ng PhilGuarantee ang bangko o institusyon ang pag-apruba ng guarantee coverage. Antayin ang resulta mula sa PhilGuarantee.

Programa ng SBCorp na naglalayong suportahan ang mga maliliit na negosyong panturismo, DOT-accredited man o hindi.

Small and Medium Enterprises (SME) Turismo Loan:
  • Makakakuha ng hanggang P5 milyon
  • Loan term: kada buwan hanggang 4 na taon
  • Grace period*: hanggang kalahati ng loan term (multiples ng 3 months option) sa prinsipal na utang
  • Interes: one-time service fee na 4% – 8%, depende sa repayment term

Note: Grace period: panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.

Micro Turismo Loan:
  • Makakakuha ng hanggang P300,000
  • Loan term: kada buwan hanggang 4 na taon
  • Interes: one-time service fee na 4% – 8% depende sa repayment term

Maaaring humiram ang mga maliliit na negosyo (MSMEs) na kabilang sa mga tourism enterprises o tourism support services na tumatakbo ng isang taon.

a. Government-issued ID
b. Barangay Permit
c. Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) permit o Mayor’s Permit
d. Isang (1) minutong bidyo ng operasyon ng negosyo at mga dokumento ng asset, kung mayroon

1. Ihanda at i-scan ang mga dokumento (.jpeg format).
2. Magtungo sa link na ito: brs.sbcorp.ph/
3. Gumawa ng account at piliin ang angkop na programa.
4. Sagutan ang online application form.
5. Antayin ang kumpirmasyon na natanggap ang iyong application at ang resulta nito na ipapadala sa e-mail.

Programa ng SBCorp na naglalayong makapagbigay ng kapital na pangnegosyo sa mga pinabalik o napabalik na mga OFWs dahil sa pandemya.

  • Loan amount mula P30,000 – P100,000
  • 12 months grace period*
  • Walang interes
  • Walang kolateral

Note: Grace period: panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.

a. Sertipiko ng pagkumpleto ng Philippine Trade Training Center (PTTC) online training session
b. Video presentation (ipapaliwanag sa PTTC)
c. Scanned copy ng passport
d. Para sa hihiram ng higit sa PhP50 libo – Business Model Canvas

1. Tapusin ang online training na pamamalakad ng Philippine Trade Training Center (PTTC). Pwedeng mag-register sa link na ito: HEROES Pre-Registration Form.
2. Pagkatapos mag-training, ihanda ang mga dokumentong hinihingi.
3. Pumunta sa brs.sbgfc.org.ph heroes upang magpatuloy sa application.

Programa ng LANDBANK at OWWA na naglalayong makapagbigay ng loan na pangnegosyo sa mga OFWs.

  • Para sa mga sole proprietorship/nag-iisang may-ari: makakakuha ng P100,000 hanggang P2 milyon
  • Para sa mga partnerships/may kasosyo, korporasyon, at kooperatiba: makakakuha ng P100,000 hanggang P5 milyon
  • 7.5% interes kada taon
  • Loan term
    • – Short term: hanggang 1 taon
    • – Long Term: hanggang 7 taon kasama na ang 2 taon na grace period*
  • Kolateral: asset ng negosyo katulad ng makina at mga equipment

Note: Grace period: panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.

  • OFW na miyembro ng OWWA
  • Nakatapos ng Enhanced Entrepreneurial Development Training
Kung nasa ibang bansa ang OFW o malapit nang umalis, maaari siyang irepresenta ng mga sumusunod:
  • Kung may asawa: kanyang legal na asawa
  • Kung byudo/byuda, walang asawa, o hiwalay sa asawa: kanyang magulang (kung hindi pa 66 taong gulang o mas matanda pa) o ng kanyang anak (hindi bababa sa 18 taong gulang)

a. Sertipiko mula sa OWWA na ikaw ay isang OFW
b. Sertipiko ng pagkumpleto ng Enhance Entrepreneurial Development Training (EEDT)
c. Business Plan/Proposal
d. 2 valid ID na may pirma
e. Statement of Asset and Liabilities
f. Proof of Billing Address
g. Certificate of Residency galing sa Barangay
h. Drawing o sketch ng lugar kung saan nakatira

Para sa mga OFWs na mayroon nang negosyo bago pa mag-apply:
a. Rehistro ng DTI
b. Bio-data ng aplikante
c. Mayor’s permit
d. Kung may contract growing agreement: Income Tax Return ng nakaraang 3 taon, BIR-filed Financial Statements ng nakaraang 3 taon, at ang pinakabagong Interim Financial Statement

1. Kumuha ng sertipiko ng pagiging miyembro ng OWWA.
2. Ipasa ang lahat ng kinakailangan sa pinakamalapit na LandBank upang masuri at masimulan pagproseso ng application mo na kadalasang magtatagal ng 45 araw.

Programa ng LANDBANK at OWWA na naglalayon makapagbigay ng oportunidad sa pagnenegosyo at tulong-pinansyal sa mga OFWs.

  • Para sa mga sole proprietorship/nag-iisang may-ari: makakakuha ng P100,000 hanggang P2 milyon
  • Para sa mga partnerships/may kasosyo, korporasyon, at kooperatiba: makakakuha ng P100,000 hanggang P5 milyon
  • 7.5% interes kada taon
  • Loan term
    • – Short term: hanggang 1 taon
    • – Long term: hanggang 7 taon kasama na ang 2 taon na grace period*
  • Kolateral: asset ng negosyo katulad ng makina at mga equipment

Note: Grace period: panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.

a. Application Form
b. Sertipiko ng pagkumpleto ng Entrepreneurial Development Training
c. Kopya ng rehistro sa DOLE, SEC o CDA
d. Sertipiko mula sa Regional Welfare Office (RWO) Director na ang aplikante ay isang tunay na OFW at kinikilala ng OWWA
e. Beneficiary Profile
f. Business Permit
g. Business Plan o proposal na nagpapakita na ang equity ay kasing halaga ng 20% ng kabuuang project cost
h. Board resolution na nagtatalaga ng business manager na awtorisadong mag-apply sa ngalan ng organisasyon

1. Kumuha ng sertipiko ng pagiging miyembro ng OWWA.
2. Ipasa ang lahat ng kinakailangan sa pinakamalapit na LandBank upang masuri at masimulan pagproseso ng application na kadalasang magtatagal ng 45 araw.

Programa ng ACPC na naglalayong magbigay ng loan na walang interes sa mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

  • Micro Agri-Negosyo Loan: makakakuha ng hanggang P300,000
  • Small Agri-Negosyo Loan: makakakuha ng P300,000 hanggang P15 milyon
  • Lending partners: Government Financial Institutions (GFIs) at Non-Government Financial Institutions (NGFIs)
  • Hanggang 5 taon na loan term
  • Mga may-ari o miyembro ng mga maliliit na negosyo mula sa mahihirap na sektor at maliliit na magsasaka at mangingisda
  • Rehistrado o enrolled sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Maaaring magparehistro sa RSBSA sa Municipal Agriculture Office (MAO).

1. Alamin ang requirements na kailangan ng iyong paga-applyang bangko o partner lending conduit (PLC)
2. Mag-sign up at magbukas ng account sa https://acpcaccess.ph/.
3. Mag-schedule at dumalo sa online program briefing.
4. Piliin ang loan facility (ANYO) at kumpletuhin ang requirements.
5. Mag-schedule at dumalo sa Business Planning Workshop.
6. Ipo-proseso at susuriin ng PLC ang iyong loan application.

Programa ng ACPC naglalayong makapagkaloob ng puhunan pangnegosyo sa mga kabataang entrepreneurs at nakapagtapos ng kursong agri-fishery sa pamamagitan ng pagbibigay ng walang interes na pautang.

  • Makakakuha ng hanggang P500,000
  • Hanggang 5 taon na loan term
  • Agripreneur na may edad na 18 – 30 taong gulang
  • Nakapagtapos ng kursong kaugnay sa agri-fishery (diploma) o nakakumpleto ng training course (certificate of completion)
  • Rehistrado sa Registry for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) o sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS).

a. 1 valid government-issued ID na may larawan ng aplikante
b. Application form
c. Simpleng business plan
d. Sertipiko ng pagtatapos ng kursong kaugnay sa agri-fishery o pagkakakumpleto ng training

1. Mag-sign up at magbukas ng account sa acpcaccess.ph.
2. Mag-schedule at dumalo sa online program briefing.
3. Piliin ang loan facility (KAYA) at kumpletuhin ang mga requirements.
4. Mag-schedule at dumalo sa Business Planning Workshop.
5. Iprepresenta ang business proposal mo at ilalapit ka sa kanilang partner lending institution.
6. Ipoproseso at susuriin ang iyong loan application.

Programa ng ACPC na naglalayong makapagbigay ng walang kolateral at interes na pautang sa mga maliliit (micro at small) na agripreneurs na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).

  • Makakakuha ng hanggang P10 milyon
  • Hanggang 10 taong loan term

Notes: Maaaring humingi ng maliit na fee ang ibang partner lending institutions.

Maaaring humiram ang mga agri-fishery-based micro at small enterprises (MSEs) na:
  • Handang mag-deliver o mag-supply sa DA-KADIWA Ni Ani at Kita centers at mga lugar na may malakas na pagkonsumo katulad ng Metro Manila at iba pang demand centers
  • Rehistrado sa CDA, SEC o DOLE
  • Hindi bababa sa isang 1 taon na tumatakbo ang negosyo

a. Letter of Intent na may paglalarawan ng proyekto
b. Registration documents
c. Financial statement
d. Endorso mula sa Department of Agriculture

1. Mag-sign up at magbukas ng account sa acpcaccess.ph/.
2. Mag-schedule at dumalo sa online program briefing.
3. Piliin ang loan facility (SURE COVID-19) at kumpletuhin ang mga kinakailangan na dokumento.
4. Mag-schedule at dumalo sa Business Planning Workshop.
5. Iprepresenta ang business proposal mo at ilalapit ka sa kanilang partner lending institution.
6. Ipoproseso at susuriin ang iyong loan application.

Programa ng SBCorp na naglalayong matulungan ang mga maliliit na negosyo sa kanilang mga pangangailangan sa negosyo sa pamamagitan ng direct lending facilities.

Fixed Asset Financing
  • Pantustos sa pambili ng service o delivery vehicle at pagpapaayos o pagpapagawa ng bodega, tindahan, o pagawaan.
  • Loan term: 3 – 5 taon
  • Kolateral: real estate o chattel mortgage (mga pag-aari na madaling mailipat o maigalaw)
Working Capital Financing
  • Pampuhunan o pantustos sa pagbili ng inventory
  • 1 taong credit line
  • Makakakuha ng hanggang 80% ng receivables o 60% ng inventories
Maaaring humiram ang maliliit na negosyo na:
  • Karamihan ng asset at equity ay pagmamay-ari ng Pilipino
  • May asset na hindi hihigit sa P100 milyon (hindi pa kasama ang halaga ng lupa)
  • May magandang pampinansyal na katayuan sa nakaraang 2 taon
  • Rehistrado sa DTI o SEC
  • Hindi kabilang ang negosyo sa mga sumusunod:
    • – Farm level production na may kaugnayan sa agriculture, aquaculture at/o livestock (maliban ang post-production);
    • – Real estate development (maliban ang MSME contractors);
    • – Pure trading of imported commodities (maliban na lang kung mayroong dagdag na serbisyo na nakakatulong sa lokal na komunidad);
    • – May kaugnayan sa bisyo

Kung nais mag-apply at malaman ang mga requirements, tawagan ang retail lending team ng SBCorp:
+63 2 7751 1888 local 1635 (South Luzon at NCR)
(082) 221-1488 (Mindanao)

Programa ng DBP na naglalayong makapaghatid ng tulong-pampinansyal sa mga publiko at pribadong institusyon na naapektuhan ng mga kalamidad (hal. pandemya, bagyo, baha, lindol, tagtuyot, paglaganap ng peste o sakit, kaguluhan, atbp.)

  • Makakakuha ng hanggang 95% ng halaga ng nasalantang ari-arian o asset
  • Interes: Depende sa pagkukuhaan ng utang
  • Loan Term
    • – Para sa mga pribadong institusyon: hanggang 10 taon kasama na ang tatlong 3 na grace period*
    • – Para sa permanenteng working capital – hanggang 5 taon kasama na ang 1 taon na grace period*
  • Kolateral: Real Estate Mortgage (REM), Chattel Mortgage** (CHM), Hold-out on Deposits, atbp.

*Ang grace period ay tumutukoy sa ibinigay na panahon kung saan walang multa na kailangang bayaran kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras.

**Ang chattel mortgage ay ang pagsasanla o paggamit sa mga pag-aari na madaling mailipat o maigalaw bilang kolateral o loan security.

  • Negosyo na tumatakbo ng 1 taon o higit pa bago ito naapektuhan ng kalamidad
  • Walang nasuri ang mga bangko at mga major suppliers na ikakasama sa iyong negosyo

a. DBP Application Form
b. Customer Information File Form kasama ang Loan Record Form
c. Financial Statements sa nakaraang 3 taon o iba pang kaugnay na pampinansyal na dokumento
d. Awtoridad para sa bangko na magsagawa ng pagsusuri o pagtatanong at magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga credit sa mga credit bureaus at iba pang bangko at creditors (DBP form)
e. Board resolution na nagtatalaga kung sino ang hihiram at sino ang karapat-dapat pumirma (kung naaangkop)
f. Detalye ng proyekto (kasama ang cost estimate)
g. Business Registration mula sa DTI/SEC/CDA
h. Business Permit mula sa LGU
i. Business/Company profile (kasama ang mga detalye ng subsidiaries at/o affiliates, Board of Directors at management, at Stockholders)
j. Latest General Information Sheet
k. By-Laws at Articles of Incorporation/Cooperation
l. Karagdagang Requirements (kung naaangkop):

  • Real Estate Collateral/Security
    • 1. 2 kopya ng Location Plan at Vicinity Map
    • 2. 2 kopya ng TCT/OCT
    • 3. Pinakabagong Real Estate Tax Declaration at Tax Receipt
  • Chattel Collateral**
    • 1. Affidavit of Ownership at Certification of Non-Encumbrance with specifications
    • 2. Suppliers Quotation complete with technical specifications, para sa makina at/o equipment
    • 3. Contract to Sell, para sa makina at/o equipment na matatanggap
    • 4. Kopya ng OR/CR para sa transportation equipment
  • Building rehabilitation
    • 1. Bills of Materials at Cost Estimates
    • 2. Building Plan at Specification
    • 3. Building Permit

1. Pumunta sa pinakamalapit na DBP Lending Center at magbukas ng bank account.
2. Pumunta sa website na https://www.dbp.ph/lending-groups/ upang makita ang mga provincial lending groups.
3. Kailangan i-file ang inyong application sa loob ng 60 na araw simula sa araw na nagdeklara ng kalamidad.
4. Kung sakali man sumasailalim pa rin sa quarantine ang inyong lugar, ang deadline ng application ay dapat 60 araw pagkatapos iangat ang quarantine o mandatory grace period*.